Umuwi na rin sila kinagabihan sa kanilang bahay, naabutan pa nga niya si Nanay Meling na pauwi na. Nagbilin pa ito sa kanya na nakapagluto na ito ng ang pagkain para sa hapunan niya kaya kumain na lamang siya. Kinabukasan maagang nagising si Amaya dahil papasok na siya ng school pero medyo matagal pa siyang nakahiga. Nakatitig lamang siya sa kisame at inaalala ang nangyari kahapon hanggang sa paghatid sa kanya ng kanyang Ninong. Kusa siyang napapikit at sinalat ang labi niya ginawaran nito ang mapagmahal na halik kagabi bago siya bumaba ng kotse nito. Wala sa usapan nila iyon pero dahil sa bugso ng damdamin nilang dalawa ay hindi na napigilan. Habang nasa biyahe ay magkahawak-kamay lamang sila tila doon kumukuha ng lakas kahit walang salitang namutawi mula sa kanilang mga bibig, tahimik

