Kinabukasan nagtungo muna sila sa isang ob-gyne para magpa check-up si Amaya napag-alaman nila na 7 weeks na ang ipinagbubuntis nito. Sa totoo lang kahapon pa siya walang pagsidlan ng kasiyahan sa kanyang puso. Akalain ba naman niya na kay Amaya pa siya magkakaroon nang anak ng walang kahirap-hirap. Samantalang mahigit sampung taon siya naghintay na magkaanak sila ng yumao niyang asawa ngunit naging mapagkait ang tadhana sa kanila dahil hindi sila biniyayaan ng anak, hanggang sa bawiin na ito nang tuluyan sa kanya. Tapos ngayon sa kanyang minamahal lamang pala siya nito pagbibigyan. Pero mas masarap sa pakiramdam iyong gano'n na sa pinakamamahal mong babae magmumula ang iyong anak. Nang matuklasan niya kahapon, hindi talaga niya napigilan na hindi umiyak kahit nga nasa harapan na siya n

