Wala sana sa plano si Amir na umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang kahit na birthday ng kanyang Papa dahil siguradong makikita niya doon si Amaya. Pinapauwi na siya ng kanyang Papa ngunit sinabi niya na hindi siya makakapunta. Mahigit dalawang buwan na rin wala siya sa lugar nila simula nang nilisan niya ang kanyang tahanan na katabi ng bahay nila Amaya. Pinilit na niya na alisin ito sa kanyang sistema para na rin sa ikabubuti nito at katulad din ng kahilingan nito. Kaya pinipilit niyang maging mabuting tao at maging kaisipan niya ay medyo nagiging payapa na. Mahigit dalawang buwan na pero hindi pa rin mapakiusapan si Faye na sumailalim sa paternity tes. Nakiusap na rin siya sa ob-gyne nito pero hindi pumayag ang doktor na mag test nang hindi nalalaman ng pasyente nito. Sinabi niya si

