Friday Night "Naku manood na lang kayo ng movie doon. Wag niyo na kaming pakialaman dito. Alam namin na wala kayong alam sa pagluluto mga pasaway kayo. Sige na mag-enjoy na lang kayo doon Manood kayo o maglaro kayo, kami nalang dito ni Nanay Meling." natatawang sabi ng Mommy ni Amaya sa mga kaklase nito. Nagluluto na kasi ito, katulong si Nanay Meling. Sabagay katulad din niya ang mga ito na hindi hinahayaan ng mga Nanay na mag-asikaso. Hindi kayo marunong magluto ng pagkain kaya mabuti pa doon tayo sa room. Nanonood kasi ang Daddy nya sa sala kaya naman minabuti niyang ayain na lamang ang mga ito sa kanyang room may TV naman sa room niya pero parang mas trip niyang mag live streaming kasama ang mga pasaway. "5 man tayo! Wag mo sabihin di kayo marunong mag ml? Bilis na kasi, grabe ang b

