"Babe kanina pa tumutunog ang cellphone mo bakit hindi mo sinasagot!" sigaw ni Amaya dahil tunog ng tunog ang messenger ni Amir pero hindi nito pinapansin patuloy lamang ito sa paghuhugas ng plato. Di ata nito napansin ang pagsigaw niya kaya minabuti niyang kuhain na lamang ang cellphone nito sa sala para masagot ng lalaki kung sino ang tumatawag. May password ang cellphone kaya hindi niya iyon masasagot. Kinuha na lamang niya iyon pero biglang nagring nanaman ang phone nito at nag-register sa screen ang pangalan ng tumatawag. Nanlamig ang buong katawan niya ng mabasa iyon. Si Faye ang tumatawag at napakaraming misscall na ang ginawa nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Ayaw naman niyang maghinala ng kung ano pero hindi niya maintindihan ang kanyang sarili bakit tila may big