Dali-daling tumakbo siya pabalik sa kanyang silid para hindi siya mapagbintangan na may kinalaman siya sa pagkahulog sa hagdan ni Amaya. Nanginginig ang kanyang mga kamay na sinusubokang buksan ang cellphone ni Amaya para mabura ang video na nandoon sigurado siya na nakakuha ng video ito. Ngunit hindi niya intensyon na mahulog ito sa hagdanan or itulak dahil sa pag-aagawan nila ng cellphone hindi na niya napansin na malapit na pala ito sa hagdan. Napakataas ng hagdan na iyon kaya malalagay sa peligro ang sinumang mahulog doon lalo pa at yari sa semento ang hagdan. Sigurado kapag napasama ang bagsak ni Amaya ay manganib ang buhay nito. Natatakot siya ng sobra Hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay pero kailangan niyang maging matatag at umusta na tila normal lang dahi

