"Hala seryoso mag a-outing tayo?" bulalas ni Amelia nang sabihin ni Amaya na mag-aouting sila sa private beach resort ng kanyang Ninong sa bagasbas at 2 days sila doon bali sabado at linggo. "Wow iba na talaga pag mayaman may mga private resort, pero infairness ha makakaranas na ako ng mga pag ganyan ganyan. Salamat Amaya," wika naman ni Cerine. Si Cerine kasi ang pinakamahirap sa kanilang grupo bale ito ang panganay sa magkakapatid at minsan nga nililibre na lamang nito ng pagkain sa canteen dahil kadalasan ay nagtitiis ito ng gutom pero syempre hindi nya ito matiis kaya naman binibigyan pa nga niya ito minsan lang allowance at kapag alam niya na malaki ang problema nito sa pamilya halimbawa pambili ng pagkain or may sakit ang nanay nito ay binibigyan niya ng pera. Pero hindi naman ito

