"Dad Totoo po ba ang sinasabi niyo? Uuwi na po kayo? H-Hindi po ba kayo nagbibiro?!" mangiyak ngiyak na tanong ni Amaya sa kanyang Daddy habang kausap ito sa messenger. "Yes anak, pauwi na ang daddy at hindi na ulit ako sasakay pa ng barko. Magkakasama sama na tayo nang mommy mo, mabubuo na ulit tayo. G-Gusto kong bumawi sayo anak, kahit naaksidente ka na hindi man lang kita napuntahan sa hospital. Hindi man lang kita mayakap at mahawakan kaya naman nagdesisyon na ako na hindi na muli pang sasakay ng barko. Hindi ko na rin tatapusin ang kontrata ko, aayusin ko lang ang lahat. M-Magsasama-sama na tayo sa wakas. Ngayon ko na-realized na hindi naman natin kailangan ng maraming pera para maging masaya, para matiyak ang kinabukasan mo. Dahil kung tutuusin sobra sobra na iyon, masyado lang a

