Minabuti ni Faye na tawagan si Amir. Uunahan na niya ito sa binabalak nitong paternity test, tingnan natin kung hindi niya ito mapasunod kapag nalaman nito na natuklasan na niya ang sikreto nito at ng inaanak nito. Ngunit badtrip na badtrip siya dahil naka limang missed calls na siya hindi pa rin siya nito pinapansin ni hindi nito sini-seen ang mga message niya. Akala yata ng walanghiyang lalaking iyon ay kung ano lang ang pakay niya dito. Siguradong malalaman din ni Amir na may kinalaman siya sa pagkahulog ni Amaya sa hagdan pero wala na siyang pakialam don. Sasabihin lamang naman niya na hindi niya iyon sinasadya at kasalanan din iyon ng inaanak nito. Sigurado malalaman nito iyon dahil nga nasa kanya ang cellphone pero syempre ang magiging kakampi niya at magliligtas sa kanya ay ang mg

