Kabanata 28 Bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Agad akong napayakap sa kanya at napahagulhol. “Ano'ng nangyari?” tanong nito. Umiling-iling ako. Hinagod nito ang aking likod na ikinagaan din naman ng aking pakiramdam. Hindi man agaran ngunit nakatulong pa rin ito sa akin. “Lumiban ka muna sa klase Catherine,” anito. Umiling ako. “Papasok po ako,” tipid kong sagot at pinahiran ang aking mga luha. Pinakalma ko ang aking sarili at kumalas nang yakap dito. “Sigurado ka ba?” Napatango ako at tumayo na. Inalalayan ko rin ang Mama na makatayo at sabay na kaming pumanaog. “Nely, maari bang ihatid mo si Catherine sa eskwelahan,” pakiusap ni Mama sa aking tiyahin. Tumango naman ito at inakay ako. “Ano'ng nangyari?” ani Tiyang Nely. “Wala ho tiyang, tipid kong sagot. Natatakot ako