Chapter 56: Signed and Sealed

1353 Words

Nasa hardin si Mihan, nakaupo sa kuwadradong gazebo habang si Thiago ay nasa library nito at dina-draft ang kontrata nila kasama ang abogado nito. Malamig ang simoy ng hangin doon nang dahil sa maraming kahoy at halaman. Medyo mabango rin nang dahil sa maraming bulaklak sa harap ng gazebo. May iba’t ibang kulay ang mga itong nakakatuwa sa mga mata dahil sa kagandahan. “Ano? Hindi ikaw ang nagbayad sa bills ni Nanay?” aniya sa kausap sa cell phone. “Hindi nga! Bakit naman ako magsisinungaling sa ‘yo, aber?” balik-tanong ni Yhona. “Baka naman si ThiQ.” “Hindi raw siya, eh.” Ngumuso siya at napapaisip nang malalim. “At naniwala ka naman sa kanya?” “Bakit hindi?” “Kung gano’n, baka si Kuya Habagat, hindi lang sinabi sa ‘yo. Baka nakatama ng jackpot sa casino ‘yon. Alam naman niyang magag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD