Tulala akong nakatingin sa pintuan kong may kumakatok. Kanina pa 'yan sa totoo lang. "Hoy, Tannie! Gumi—" Bumukas ang pinto ko at iniluwal ang isa sa mga ugok kong panget na pinsan. "Oh. T*ngina gising ka na pala 'di ka man lang sumasagot. Ano'ng itsura 'yan?" Ano nga bang itsura ko? Nakasandal lang naman ako sa pader habang nakaupo sa higaan ko na nasa kama 'yong isang paa tapos nakalaylay ang isa. Sabog pa buhok ko at may muta't laway pa. Eh sa kagigising ko lang eh, bakit ba? Depunggol. Nakatingin lang ako sa kanya bago ngumiti. "Itsura ng maganda, ano pa ba Kuya Kyle?" "G*go! Nabaliw ka na. Gutom lang 'yan, mag-almusal ka na nga." "Hindi uso sa 'kin 'yon," sabi ko tapos tumayo na. "O? Eh saan ka pupunta?" "Mag-aalmusal. Sabi mo 'di ba? Gulo mo rin ah." "Tanga mas