"Time is up! Pass your papers." Sa wakas! Ang tagal kong iniintay na sabihin ni Ma'am 'yan. Mga depunggol ko kasing mga kaklase eh ang babagal magsisagot. Napaka-basic lang naman ng test. Napaka-basic hulaan. Hula-hula lang tapos hindi mo alam pasado ka pala. Aba magaling! Gano'n ako kagaling! Exam week namin ngayon, kaya nga may test eh. Isip isip din kasi kung anong meron ngayon. Tsk. Tsk. Char! "Tannie, tara na sa canteen," yaya sakin ni Claude. "Libre mo?" "Ikaw, huwag madaya. Promise mo 'yon eh." "Promise? May pinromise ako sa 'yo?" "Tannie!" Napatawa ako sa kanya. Pikon! Suki kasi ng libre si Claude. Basta may manlilibre sa kanya na-eexcite siya. Malakas sa libre ang p*ta. "Oo na. Napaka mo talaga." Inakbayan ko siya papunta sa labas ng room. Naglakad kami patungong