NAKAUPO si Zachary sa kubo habang kasama niya si Uno na nakakandong sa kaniya habang nakasuot dito ang tinted sunglasses niya. Nakaharap pareho sila sa dagat habang hawak ni Uno ang kaniyang cellphone. "Daddy, magiging boss din po ba ako na katulad mo?" tanong sa kaniya ni Uno habang pinipindot ang cellphone niyang hawak nito. Nagkibit-balikat siya at saka ito tinignan. "Hindi ko alam, baka ako ang maging boss mo. Dahil ayoko ng boss na nakikipag-away sa kapwa niya bata katulad mo, anak." Nakasimangot ito na tumingin sa kaniya. "Seryoso ka po, dad? At bakit po ako ang palaging sinisisi kapag nakikipag-away ako sa kapwa ko po bata? Hindi po ba iyon mali? Like... uhm... masiyado silang mahina! Tulad ni Kaji, masiyadong pikunin at iyakin, dad. At hindi ko po siya inaaway. Siya itong madal