KITANG-KITA ni Aryanda ang tuwa sa mga mata ni Veron habang kausap nito si Zachary. Hindi pa sila nakakaalis ni Tyron nang sandaling iyon. Sinulyapan siya ng binata na pinapaandar ang makina ng sasakyan. "Jealous?" nakangising tanong nito sa kaniya. "A-at bakit naman ako magseselos? Ikaw kung ano-ano ang sinasabi mo." Inirapan niya ito at dumiretso ng pagkakaupo. "Okay. Lets pretend na hindi ka nagseselos. By the way... bakit nga pala nasa iyo ang wallet ni kuya?" Usisa nito habang ibinubuwelta palabas ng campus ang sasakyan. "Napulot ng security guard namin sa Isla. Siguro nagpunta siya roon kahapon. I don't know. Ibibigay ko sana kay Guiller pero wala naman siya kaya nang makita ko si Zachary, ibinigay ko na. Hindi ko naman pinakialamam ang wallet niya, no." Ngumisi ito at tinapik-