HINIHINTAY ni Aryanda si Bernard dahil naguguluhan siya sa ikinikilos nito. Kasama niya si Arci na tikom naman ang bibig sa maaring sabihin sa kaniya ni Bernard. Nakaupo sila ni Arci sa mahabang sofa na letter L ang design. Nasa pamamahay sila ni Bernard. Hindi niya akalain na maganda ang bahay nito gayong isa lamang itong security bodyguard ni Zachary. Ang akala niya noon ay nasa apartment lamang ito nakatira o hindi kaya sa isang bungalow na may dalawang palapag ang taas. Tansya ni Aryanda may sukat na one thousand square meters ang buong compound na kinatatayuan ng bahay ni Bernard. May swimming pool din ito sa labas na pinabalilibutan ng bermuda grass ang buong paligid ng garden. May mga halaman din na iba-iba ang uri at mga naggagandahang mga bulaklak. Pansin din niya ang maganda ni