NILAPITAN ni Guiller ang kapatid niya na tila walang nagawang kasalan sa kaniya. Dalawang taon na itong hindi nagpaparamdam buhat nang maikasal ito kay Caroline. Sadyang tinalikuran na talaga siya ni Zachary at wala na itong pakialam sa kanila ni Tyron. "Iiwasan mo pa rin ba ako?" malakas na tanong niya nang makalapit. "Ako? Iiwas, kuya? Ano bang kasalanan ko sa iyo at iiwas ako. Hindi ba p'wedeng maging reason na busy ako with my private life and also sa takbo ng business ko." Humalukipkip pa ito sa harapan niya. "Bakit mo ba ako hinahanap kuya? At bakit mo ako gustong makausap?" "Mula noong ikinasal ka at gumawa ng sarili mong desisyon pakiramdam ko nabalewala ako bilang kapatid mo. Ano bang gusto mo, Zac. Ang hayaan ka na mamuhay mag-isa at solohin ang lahat ng mga problema? Tinanggi