HINDI maipaliwanag ni Aryanda ang kaniyang nararamdaman. Siguro dahil may malalim silang pinagsamahan ni Zachary at hindi na siya nahihiya rito. Habang tinitignan niya itong iniinom ang milktea na iniinom niya kanina ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya akalain na mararamdaman pa niya iyon samantalang ipinagpipilitan niya sa kaniyang sarili na tapos na... tinapos na niya ang anumang ugnayan nila sa isa't isa. Dalawang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lamang ang lahat. Nasasaktan pa rin siya lalo na't naguguluhan siya ngayon kung bakit bigla na lamang namatay si Caroline. Kausap niya kanina si Guiller at sinabi niyang kasama niya si Zachary. Hindi siya maaring magsinungaling dito. Sinabi rin niya na ipinasyal nila si Giana dahil nalulungkot na ang anak n