MAKALIPAS ang dalawang taon naging successful ang business nila. Ang kanilang Corpuz Sibling's Seafood Restaurant. May mga special recipes sila na ipinangalan pa sa kaniyang Lola Loleng, ang Loleng's fried adobo. Mabenta sa kanila ang Loleng's fried adobo dahil iilan lamang ang gumagawa niyon. Naging special dessert rin ang Berna's Mango Ice Cream. Na hinango naman nila sa pangalan ng kanilang namayapang Nanay. Abala sa kusina ang kaniyang kapatid habang siya maman ang umaasikaso sa ibang mga customers. Ang apat na cottages ay naging labing lima, ang 20 seaters noon na mga upuan ay humigit sa dalawang daan na at nagdagdag na rin sila ng mga empleyado, mga waitress, cooks, at may apat na rin silang cashiers. Si Arci naman ang nangangasiwa sa hotel, ito ang manager roon. Bumalik si Guiller