HABANG nasa biyahe ay kinakabahan si Aryanda. Panaka-naka naman siyang sinusulyapan ni Bernard na bakas sa mukha ang saya. Ito ang pinagkakatiwalaan ni Zachary at sa tingin niya ay kaibigan din ito ng binata. Nasa kandungan niya ang maliit na box na may lamang moosecake na ang design ay ulo ng isang unggoy. Habang ginagawa niya iyon kanina ay natatawa siya dahil nasa isip niya si Zachary. Mautak ito at tuso tulad ng isang unggoy kaya naman naisipan niya na iyon ang gawin niyang design dahil sa ugali ni Zachary na hindi niya magustuhan. Pero taliwas ng kaniyang nararamdaman ay ang puso niyang nagmamahal sa binata kahit napakasama ng ugali nito. Ipinakita ni Zachary ang kagaspangan ng ugali nito sa kaniya pero heto siya patuloy na nagmamahal pa rin sa binata dahil iyon ang itinitibok ng pu