PAGSAPIT ng gabi ay nakaupo si Aryanda sa mahabang upuan at ikinukuyakoy nito ang mga paa. Pinapanuod niya ang binata na nag-iihaw ng nahuli nitong isda sa may falls kanina. Buo na ang desisyon niya ngayon na harapin ang katotohanan. Pagbalik niya ng Isla Margarita ay sasabihin na niya ang totoo kay Guilller, makikipaghiwalay na siya dito. Pipiliin niyang ipaglaban ang taong mahal niya dahil iyon ang tama. Hindi niya gustong saktan si Guiller sa kasinungalingan kaya kailangan niyang magpakatotoo rito. Nilapitan siya ng binata na nakasuot lamang ng jersey short at naka-tsinelas. Nakasando ito at kitang-kita ang umuubok nitong abs. Iniwas niya ang tingin sa katawan ng binata. "Here..." abot nito sa inihaw na isda na nakatusok sa stick. "Nakalimutan ko na wala nga pala tayong pagkain." Nag