“Baby, bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Nakangiti si Ferdinand sa akin. Umiling ako saka tinuon ang tingin sa pagkain. “Kung may gusto kang itanong sa akin sabihin mo lang. Handa ako ang sabihin ang lahat para bumalik ang alaala mo.” Seryoso akong tumingin sa kanya. “Kung ikaw ang boyfriend ko bakit ngayon ka lang dumating?" Huminga siya ng malalim. "Sinabi ko na sa 'yo na ayaw sa akin ng magulang mo kaya nang mawalan ka ng alaala nagkaroon sila ng pagkakataon na ilayo ka nila sa akin." "Hindi naman ganyan ang magulang ko." "Ang mahalaga ay magkasama na tayong dalawa." Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya. Naalala ko ang mukha niya ngunit bakit hindi ko maramdaman na mahal ko siya? Wala akong nararamdaman kahit konting kilig sa kanya. "Ferdinand." "Yes, baby?" "May boyf