JACOB'S POV "Why are you looking at me?" natatawang tanong sa akin ni Celestina. Magkatabi kaming nakahiga habang nakababa sa sikat ng araw. Nasa harap kami ng swimming pool at kasama namin ang mga anak ko na naliligo. Umiling ako. "Nothing! May bigla akong naalala." "Hmm.. bumabalik na rin ba ang alaala mo?" Umiling ako. "Halos walang bumabalik sa akin pero lahat ng mga lugar na pinuntahan natin ay parang matagal na tayong nakarating." Inilapit ni Celestina ang mukha niya at mabilis akong hinalikan. "Baka nasa katawan ko na ang asawa mo." Tumawa ako. "You're so funny." Sabay tingin ko sa mga anak kong naliligo sa pool. Kasama nila ang yaya nila na naliligo kaya nandito kaming dalawa. "Jacob, kung nasa katawan ko ang asawa mo anong gagawin mo?" Muli akong tumingin sa kanya. "Ku