Tahimik akong nakatingin sa paligid habang umaandar ang sasakyan ni Laura. Sa labas ng bintana, tila kumakaway ang mga punong kahoy sa malamig na simoy ng umagang iyon. Papunta kami sa Batangas para mag-swimming—isang simpleng bakasyon, ngunit tila isang bagong simula para sa akin. Kasama ko ang buong pamilya ni Laura, pati na rin ang ilan sa malalapit niyang kaibigan. Sa kabila ng ingay ng tawanan at kuwentuhan sa loob ng sasakyan, nanatili akong tahimik. Pinipilit intindihin ang katahimikang unti-unting bumabalot sa akin. “Mommy, I’m sleepy,” bulong ng anak ni Laura, habang pilit niyang nilalabanan ang antok sa kanyang maliit na katawan. “Come to your daddy,” sagot ni Laura, punung-puno ng lambing ang tinig. “Daddy!” sigaw ng bata. Agad namang lumapit si Jacob, ang asawa ni Laura, at