DEVILLIANNA FIACRA VERNO Bago ako umalis, sinigurado ko munang maaayos ang sarili ko. I combed my hair with my fingers and I made sure that my neck was fully covered. Pinaikot ko na lang ang mahaba kong buhok para kung may pulang pantal man, hindi nila mapapansin. Kinapitan ko na ang flashlight at lumakad pabalik sa kuweba. Nangangapal ang bibig ko. Parang mamamaga talaga. “Lianna, ang tagal mo naman…” Inaabangan pala ako ni Lhyne sa bungad ng kuweba. “Susunduin na sana kita ‘e.” “Nag lakad-lakad pa kasi ako,” pagdadahilan ko. Sinalubong ko s’ya at sabay naming tinahak ang daan papunta sa camping fire namin. Naglalaro pa rin ang apat ng mga baraha. Umupo na kami sa malaking troso. “May mouth wash ka ba?” tanong ko kay Lhyne. “Oo, kuha ba ako?” “Scarf na rin. Nilalamig na kasi ak