DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Sige po, salamat po, Miss. Sorry sa abala...” Kinuha ko sa kan'ya ang vacuum cleaner at lumakad na s’ya palabas. “Nakakatakot po ang babaeng ‘yon pero mas nakakatakot po talaga kayo, Ate Devillianna… Ako po ang kinakabahan kanina sa baliw na ‘yon dahil ang seryoso n’yo na po,” sambit ni Lula. “Sinampal n’ya kasi si Pierre." Tumango s'ya sa sagot ko. Tinulungan ko si Lula para i-arrange ang mga naka-kalat na gamit pero dumating naman kaagad ang lima. Ang apat ang nag-insist na sila na ang gagawa ng inaasikaso namin ni Lula. Iniwan ko sila roon at bumalik na ako sa office ni Ferruccio. Sinundan naman n'ya ako. “Hindi ka ba nagaalala na baka malamatan ang pangalan mo nang dahil sa ‘kin?” Hinarap ko s’ya. “Of course not. Ang client ang may mali at malalabana