DEVILLIANNA FIACRA VERNO I ENDED up falling asleep with those men that I am not that familiar with. Gising na ang diwa ko pero naka-pikit pa rin ang aking mga mata. Pero, napagtanto kong naka-higa pala ako kaya dahan-dahan ko nang inangat ang namimigat kong mga talukap. Habang lumilinaw ang aking paningin, napa-kunot ang noo ko dahil parang ibang kisame yata itong nakikita ko. Mariin kong kinurap-kurap ang aking mga mata at napa-tingin sa paligid. “What… is this place?!” Nang masilayan kong nasa ibang kuwarto ako, bumalikwas kaagad ako sa pagkakabangon at naka-upo sa kama. This room looks very old-fashioned, especially the furniture. Maka-luma ang aparador, kama, maging ang kurtina at nahagip ko pa ng tingin ang isang altar na napuno ng mga Santo. Parang nasa loob ako ng silid ng is