DEVILLIANNA FIACRA VERNO “TALAGANG HINDI AKO NAG-B-BRA KAPAG NATUTULOG! NORMAL LANG ‘YON SA MGA BABAE! KUNG MAGIINARTE KA PA RIYAN, MAGHUHUBAD NA LANG AKO!” Tinaasan ko s’ya ng boses na parang lalabas na ako sa balat ko. “Buwisit ka, utóng na nga lang ang bumabakat, ang dami mo pang arte?!” “Lower down your voice!” kiskis bagang n’yang utos. “Kanina pa kita sinasabihan na ‘wag sumigaw! Winaragwag mo na ngang wala akong bra!” Napa-sabunot n’ya sa sarili n’yang buhok at mariin na binaba sa mukha n’ya. Ganoon din ang ginawa ko para maipakita na naiirita na rin ako kanina pa. “Mag hanap ka na ng ipapamaypay mo sa ‘kin! Bilisan mo!” utos ko. Binugahan n’ya ako ng binugahahan ng malalalim at mararahas na hininga. Kulang na lang, bubuga na s’ya ng apoy. Sinundan ko ng tingin si Ferrucci