LULA SANTIAGO MASAYA akong umalis ng bahay para makapasok na ako sa trabaho. Sabik na sabik talaga ako araw-araw na pumasok dahil hindi lang mga mabait ang boss namin, ‘kun ‘di sobrang bait din talaga ng mga katrabaho ko sa ‘kin, lalong-lalo na si Ate Devillianna. Idol na idol ko talaga s’ya. Hindi lang kasi mapagmahal sa kapwa, wala pa akong nakitang babaeng kasing ganda n’ya. As in, kung makikita lang si Ate sa personal, mapa-tulala ka sa kan’ya. Para s’yang super model sa ibang bansa. “Diyos ko po… hindi ako makapaniwala… ano kaya ang nangyari sa kanila ni Boss Ferruccio? Ang sweet pa nga nila sa party, ‘di ba?” Habang papasok na ako sa elevator, naririnig ko ang mga pinaguusapan ng mga katrabaho ko roon sa kanilang puwesto sa front desk. Sinawalang bahala ko na lang ‘yon at sum