DEVILLIANNA FIACRA VERNO Si Ferruccio na ang nag-bayad ng kakainin nilang lahat. Ngayon pa lang ako kukuha ng plato ko. Si Lula, isang slice ng cake at seafood ang kinuha n’ya. Magbabayad na agad ako kaya nang malagyan ko na ng vegetable salad at sliced fruits ang plato ko, pinahatid ko na kay Lula sa table namin. “1,122 pesos, Miss.” Nasa harapan na ako ng cash register. Dinukot ko sa bag ang card ko at inabot sa cashier. “Miss Devillianna, what is your father’s occupation again? Kung hindi mo sana mamasamain…” Nag-salita si Pierre sa likuran ko. Nilingon ko s’ya at kasama n’ya pala si Ferruccio, maging ang tatlo. “He is a business man too.” “What kind of business?” tanong naman ni Kier. “Hmm… like selling internal organs and drúgs?” Sabay-sabay pa talagang namilog ang mga mata