DEVILLIANNA FIACRA VERNO Napa-titig silang lahat kay Ferruccio na hindi nila inasahan ang mga maririnig nila mula sa kan’ya. Kahit ako nga rin. Mapapatanong na lang din ako sa utak ko kung bakit pumasok sa isip n’ya na mag-apply bilang tattoo artist ko raw. “Dude, are you serious? Do you want to be Devillianna’s tattoo artist too? Why?” seryosong tanong ni Pierre. “What about your company? Who will take care of it?” tanong ni Kier. “Magsasara ka ba?” Iyan naman ang saad ni Dantei. Hinintay nilang sagutin sila ni Ferruccio pero sa akin lang yata naka-focus ang mga mata n’ya. Walang kurap-kurap at maging ako rin. Tugon ko yata ang inaantay n’ya. “Answer their questions, Ferruccio,” mahinahong usal ko. “Si Leon ang maaasahan ko. S’ya ang maging taga pangalaga ng aking kompanya habang