DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Nakakatakot ka naman, ano kaya ang pinaplano mo?” Lumalakad kami palapit sa elevator. “Wala akong plano pero... ako ang magbibigay ng daan para sa kapalaran n’ya. Ito ang landas n’yang tinahak kaya harapin n’ya. I hope she can handle it.” Pumasok na kami sa loob ng elevator at bumalik sa kuwarto ko. Matapos ang magulong gabi na ‘yon, masarap pa rin ang tulog ko at wala akong pakealam sa mga nangyayari. Basta go with the flow lang. Ayaw ko ma-stress hangga’t kaya ko. In fairness, ang satisfying marinig at makita nag-s-sorry ang taong may kasalanan sa ‘yo. I don’t feel any pride about it but it is just satisfying. Maganda ang gising ko. Pag-tingin ko sa cellphone ko, ang daming message sa group chat namin. Binuksan ko agad iyon para mabasa. ‘Here we go… na