DEVILLIANNA FIACRA VERNO Tinawag n’ya ulit pero walang response. Humihilik pa rin. “Boss Ferruccio!” Nang nilakasan ni Lula ang kan’yang boses, doon na napa-mulat ang mga mata at binalingan n’ya agad ng tingin si Lula. Pero nang makita s’ya ni Ferruccio, parang tinubuan yata ng isang dosenang sungay. Nanlilisik ang mga mata. Napa-balikwas sa pagkakabangon habang tinititigan n’ya ng masama si Lula. “W-What the fúck are you doing here?!” May natitira pa s'yang lakas para manigaw. Hindi maganda ang timing para kay Lula dahil masama na nga ang pakiramdam, naalimpungatan pa at ang kinaiinisan pa ang bumulaga sa kan'ya. “Boss… nakalimutan n’yo po bang… dito na po ako nagtatrabaho dahil pinaalis n’yo po ako sa kopan’ya n’yo? Kinumbinsi po ako ni Ate Devilliannan na… dito na lang daw po ako m