DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Tara na, lumabas na tayo para masabi ko na sa kanila.” Tinanguan ako ni Lula. Tumayo na kami at lumabas ng tent. Nakita kong kan’ya-kan’yang upo sa mga troso na naka-palibot sa camp fire namin. Iniikot ni Kier ang laman ng food storage container. Tumungo na kami ni Lula sa isang troso kung saan naka-upo si Lhyne. Napapansin kong ang talim talaga ng pagkakatitig n’ya kay Lula. Nang umupo na kaming dalawa, tumayo agad sa pagkakaupo si Lhyne at pumagitna s’ya sa amin ni Lula. Umusog s’ya palayo dahil hindi maganda ang awra sa kan’ya ni Lhyne. “Devillianna, have some.” Tumigil si Kier sa aking harapan sabay nilapit sa ‘kin ang pizza. Kumuha lang ako ng isang slice. Tinapat din n’ya iyon kay Lula at kumuha rin s’ya ng isa. “Pierre, ilan nga ulit ang extra t