DEVILLIANNA FIACRA VERNO Nakikita ko s’ya sa gilid ng mga mata ko na kakasulpot lang sa bungad ng pintuan. Kasama ang mama ni Lula. “M-Maupo po kayo, Sir…” magalang na usal pa ng mama n’ya at pinatuloy na rin si Ferruccio rito sa loob. Dali-daling hinila ng papa n’ya ang isang upuan. Jusko, sa harap ko pa talaga pinapuwesto. “Thank you, sir,” magalang na usal ni Ferruccio sabay inupuan ang bangko. Ramdam kong umalingasaw ang ang nakakailang na tens’yon sa buong silid. Ang awkward. Si Lula, natahimik habang naka-upo lang sa tabi ko. “Lula, kung hindi ko pa nalaman kay Diane na kaarawan pala ng iyong kaptid, hindi ako makakapunta rito.” Nakakahiya naman s’ya, pupunta na nga lang, hindi pa imbitado. Well, s'yempre pupuntahan para kay Lula. His presence is not welcome here. “Ah, g