DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Tol, tapos na.” Dumating na ‘yong isa n’yang kasama at lumakad pabalik sa kan’yang pinagpuwestuhan kanina. “Anong oras ba pupunta si Madam dito? Tangína tigang na tigang na ako.” “Be patient. Matitikman mo rin ang masarap na bihag natin. Hindi ko lang sigurado kung ano ang tamang oras. Ang sabi ni Madam Kisha kaninang huling paguusap namin, mamayang hapon s’ya darating.” “Pambira naman, ‘tol. Ala una pa lang ng hapon,” natatawang tugon n’ya. Sinulyapan ko ang grills at tinitigan ang makikita ko sa labas. Mga bahay-kulungan lang talaga ng mga manok ang natatanaw ko, maliban sa mga puno at halaman. Puro tinaok lang ang naririnig kong tunog. Walang ingay ng sasakyan o maging boses ng ibang tao. “Tol, alisin mo ang naka-baon sa bibig n’ya para makausap man la