DEVILLIANNA FIACRA VERNO NAPA-BAON ulit ang mga kuko ko sa aking mga palad nang umugong ang mga salitang iyon sa dalawang tainga ko. “Just think about it. Hindi ko kukunsintihin ang ginawa mo kagabi at sana hindi mo na lang sa akin sinabi ang dahilan kung bakit ka umalis dahil nakakakulo ng dugo at... dapat, sinarili mo na lang ang mga walang kuwentang paratang mo sa akin tungkol sa babaeng iyon.” Parang dudugo na ang lower lip ko habang naguusbungan ang usok palabas sa ilong at ulo ko. Bumabaon ang mga salitang 'yon sa laman ko tagos hanggang buto. Dineny n'ya pa, hindi na aminin sa 'kin. “You got mad because I was staring at that woman? That’s so unprofessional of you. And besides, nakapagusap na tayo tungkol sa love life ko. Hindi ko kagustuhan na umaasa ka sa akin. Sinunod ko naman