EPILOGUE: "HUWAG SANANG MAGALIT si Elvin kapag nakita ka niya ulit. Alam kong masakit iyon, iyong iniwan mong sulat sa kaniya kahit na hindi ka naman talaga ang nagsulat. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Sana talaga'y huwag siyang magalit," sabi ng mama ni Shanelle habang papasok sila sa kanilang bahay. Hindi siya umimik bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya kay Elvin. Ano na bang mangyayari kapag nagkita muli sila ni Elvin? Magagalit ba ito dahil iniwan na lang niya ito ng basta-basta? Na kahit hindi naman niya gusto, magagalit kaya ito? Kapag ba nagpaliwanag siya, papakinggan siya nito? Hindi naman talaga niya gustong iwan ang binata pero nang dahil kay Liyah, wala siyang ibang nagawa. Mas pinili niya ang kanilang buhay kaysa sa lalaking mahal niya. Ma