TULALA SI SHANELLE habang prenteng nakaupo sa malambot na upuan. Ilang buwan na pala ang nakalipas nang malaman niyang wala na si Elvin. Gusto niyang maniwala at pilit niyang naniniwalang wala na nga ito pero hindi niya kaya. Hindi siya naniniwalang patay na ang lalaking mahal niya. Si Elvin, mamamatay ng ganoon na lamang? Sa pagkakaalam niya, iba si Elvin, hindi lang ito basta demonyo... matapang din ito. At kahit ganoon pa man ang binata, hindi siya magsasawang mahalin ito. Hanggat wala siyang nakikitang katawan ni Elvin, hindi siya maniniwalang patay na ito. Buhay pa si Elvin. Buhay pa ang lalaking mahal niya— ang asawa niya. Oo, asawa na niya ito at ngayon lang niya natanggap na mag-asawa sila. Ni hindi niya nga tinanggal ang singsing na nasa daliri niya, e dahil ganoon niya kamahal an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books