KABANG-KABA SI SHANELLE habang iginagaya siya ni Elvin papasok ss isang restaurant na sa tantiya niya'y mamahalin. At nang makapasok sa loob, doon ay napagmasdan niya ang ganda ng kalooban. Tahimik lang. Ni isang tao ay wala maliban lang sa kanilang dalawa. May isang lamesa sa gitna. Puno ng pagkain. Sa gitna ng lamesa, may nakatayo roong mga kandila. Iginala niya pa ang kaniyang mga mata at isa lang ang masasabi niya, 'ang ganda'! "Did you like it?" Napatingin siya kay Elvin nang magsalita ito. Inosente siyang tumango at nakangiti itong sinagot. "Oo, sobrang nagustuhan ko. Bakit tayo lang ang tao?" Ngumisi ito saka mabilis na binitawan ang kamay niya. Hindi muna siya nito sinagot bagkus ay naglakad ito patungo sa lamesa. Nang makarating, hindi ito umupo, nakangiti itong humarap sa kani