BILLIE ILANG linggo matapos kong umalis ng Pilipinas ay naging tahimik at maayos ang lahat sa aking buhay. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang hotel dito sa Singapore na pagmamay-ari rin ng isang Pinoy na kaibigan ni Alekhine. Naging magaan ang aking mga unang araw sa trabaho lalo na't karamihan sa aking mga kasama ay kapwa ko pinoy rin. Kahit papaano ay nawala ang aking panlulumbay dahil sa mga nangyari. Nagsisimula na akong buuin ang aking sarili at harapan ang bukas nang mag-isa. Magaan ang aking pakiramdam nitong mga nakaraang araw dahil sa maraming pagbabago sa aking buhay. Maliban na lamang sa umagang ito. Nagising ako dahil sa labis na pagkarambola ng aking tiyan. Patakbo akong nagtungo sa banyo. Pakiramdam ko ay lalabas mula sa aking bibig ang lahat ng aking laman loob dahi

