BILLIE "How the hell did that happened?" Galit na boses ni Damian ang naging dahilan upang bahagya akong maalimpungatan. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Nasulyapan ko mula sa maliit na siwang ng kurtina na bahagya nang kumakalat ang dilim sa labas. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako matapos ang walang humpay naming pagniniig. Bahagya akong bumangon upang lingunin kung nasaan si Damian. Natagpuan ko siyang nakaharap sa salaming pinto na patungo sa veranda ng kanyang kuwarto. Kasalakuyan itong may kausap sa telepono. I was about to call him when suddenly uttered a name that pique my curiosity. "Did Hera agreed on it?" tanong ni Damian sa kausap. Kitang-kita ko ang paglalim ng kanyang hininga pati na rin ang malakas na pagbuga nito ng hangin na tila ba labis itong nababaha

