BILLIE Ang buong akala ko ay kakain lamang kami sa isang kilala fast food chain. Kaya naman bahagya akong nagulat nang matapos kaming magtake out ay dumiretso ito patungo sa kung saan. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming pagitan hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bahagya lamang siyang lumingon sa akin saka matamis na ngumiti. Masuyo niyang ginagap ang aking kamay saka iyon dinala papalapit sa kanyang mga labi at marahan itong dinampian ng halik. Mariin ko siyang inirapan saka ibinaling ang aking tignin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan upang itago ang ngiting nagsisimulang sumilip sa aking mga labi. Pilit kong itinago ang kilig na aking nararamdaman. Daig ko pa ang teenager na nak

