BILLIE BUONG maghapon ay naging abala ako sa paghahanda ng aking mga gamit. Pero dahil iilan lamang ang gamit na nadala ko noong umalis ako mula sa bahay ni Damian ay kakaunti lang din ang mga gamit na kailangan kong iimpake sa aking pag-alis. Alas-sais ng umaga ang kinuhang flight ni Alekhine para sa akin. Para raw hindi na ako magkaroon pa ng mahabang oras dahil baka magbago pa raw ang aking isip. Pilit kong inabala ang aking sarili sa ibang bagay dahil natatakot akong mangyari ang sinasabi ni Alekhine. Baka mawalan ako ng lakas na umalis. Gabi na nang matapos ako sa pag-aasikaso ng lahat ng aking kakailanganin sa pag-alis. Isang bagay na lamang ang hindi ko nagagawa. Mabilis kong inabot ang aking telepono saka tinawagan si Papa. Simula nang mawala si Damian ay bihira na rin akong

