BILLIE MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Ibig ding sabihin noon ay dalawang linggo na akong nagtatiyagang makasama si Hera sa iisang bubong. Noong una ay pinipilit kong intindihin ang sitwasyon n'ya ngunit habang tumatagal ay mas lalo nauubos ang pasensya ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip at may iilang pagkakataong nakikita ko itong mariing nakatitig sa akin na tila ba pinapanood ang bawat kong galaw. Noong una ay ipinagwawalang bahala ko lamang ito ngunit hindi nagtagal ay tila naasiwa na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko maipaliwanag ngunit may hindi ako magandang kutob sa kaniyang ginagawa. Mas lalong tumindi ang aking hinala sa kanyang ginagawa nang mag-umpisa itong gayahin ang aking pananamit at pati na rin ang mga mannerism ko. It feels like she