BILLIE KANINA pa nasa loob ng kwarto si Papa at Ellen upang maipaliwanag kay Ellen ang nangyayari. Kasalukuyan namang nasa akin si Braxton at ako muna ang nagbabantay habang taimtim silang nag-uusap. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagsisisi kung bakit ko pa sinabi sa aking ama ang totoo. Kung sana ay hinanyaan ko na lamang manatili ang buhay namin sa dati nitong estado, 'di sana ay wala kami sa ganitong posisyon. Nakokonsenya ako dahil sa dinala kong gulo sa bahay nila. Pati tuloy ang walang kamuwang-muwang na si Braxton ay maaaring maapektuhan. "Sorry, Braxton. Pati ikaw nadadamay sa mga palpak na desisyon ni Ate. Kung sana ay pinigilan ko na lamang ang sarili kong huwag mahulog sa kanya. Baka wala tayo sa ganitong sitwasyon," saad ko sa aking nakababatang kapatid na tanging tili at t