"Ang layo naman yata ng tingin mo Hatt? Hindi ba mababali ang leeg mo niyan?" pang-aasar na tanong sa kaniya ni Dark. Ninanakawan lang naman niya ng tingin si Zainab na gumagawa ng kotse. Aliw na aliw siyang panoorin ang dalaga na may grasa sa mukha at marumi ang kasuotan. Matapos iwan ni Juvy ang posisyon nito sa shop ay si Zainab na ang pumalit niyon. At sa nakikita niya magaling si Zainab magtrabaho at wala itong arte sa katawan kahit na marami itong grasa na hinahawakan. "Tinitignan ko lang iyong kotse." Pagsisinungaling niya rito. Kinuha niya ang folder at binuklat iyon sa harapan ng kaibigan. Humalukipkip si Dark at inilapit ang mukha sa kaniya. "Iyong kotse ang tinitignan mo o iyong babae na gumagawa ng kotse?" dagdag pa nito. Nginitian niya ang kaibigan. "Both. Bakit ka ba nand