Nagtungo si Cold sa isang resort sa Pangasinan kasama niya si Storm para puntahan si Juvy. Nag-aalala siya kung ano ang nangyari rito. Lalo na't dumating na ang balita sa kaniya ni Gavin. May kinalaman si Kyline sa pagsusunog ng bahay ni Rita at pagtatangka sa buhay ni Hatt. Inilabas na ngayon ng mga pulis ang warrant of arrest kay Kyline. At sigurado siyang pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang dalaga. Nakita ni Cold si Hatt na may kasamang babae. Kilala niya iyon, si Zainab iyon na assistant ni Hatt. "Bro, nasaan si Juvy?" tanong ni Storm sa kaibigan. Binati naman niya si Zainab na nagpaalam din sa kanila. "Nandito lang siya... baka kasama niya ang mga kaibigan niya. It seems like sobra kang nag-aalala kay Juvy, Cold. Aminin mo nga sa akin na bumalik na ang alaala mo." Inakbayan si