Chapter 75: Proposal

1049 Words

Tahimik ang paligid na pinagdalhan sa kaniya ng matanda. Naamoy niya ang mga aromatic candles. Biglang kinabog ang kaniyang puso dahil hindi maganda ang naiisip niya. Alam niyang madali para kay Kyline na makatakas dahil marami itong pera. At paano kung tama ang kutob niya? Iniwan siya ng matanda matapos paupuin sa silya. Mabilis niyang tinanggal ang blind fold sa kaniyang mga mata. Madilim ang buong paligid, tila nasa gitna siya ng isang abandonadong kuwarto. Nakaramdam ng takot si Juvy dahil naalala niya ang ginawa sa kaniya noon ni Kyline. "Huwag kang duwag, Kyline. Lumabas ka! Hindi ako natatakot sa---" Tumigil siya sa pagsasalita nang marinig ang isang pamilyar na awitin. Ang kanta na Nothing's Gonna Change My Love For You. Isa-isang sumindi ang mga ilaw at natuptop niya ang bibig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD