HINIHINTAY ni Juvy si Hatt na lumabas sa office nito habang nakasandal siya sa may gilid ng pader. Gusto niyang makausap si Hatt tungkol sa sinabi kanina ni Raf. Mukha kasing galit ito dahil hindi siya nakipagkasundo kay Cold. At mukhang pumalpak ang plano nito para sa kaniya. Naunang lumabas si Zainab sa office ni Hatt na nakapamulsa ang kamay sa suot na jacket. Mahaba ang nguso nito at mukhang bad mood. Hindi na lamang niya inimikan si Zainab na lumingon sa kaniya. Mayamaya ay lumabas na rin ng office si Hatt na dala ang bag. Mabilis niya itong sinalubong at masamang tinignan. "P'wede ba kitang makausap, boss?" magalang niyang tanong sa binata. Nagkasalubong ang kilay ni Hatt at naunang naglakad. "Kung tungkol iyan sa inyo ni Cold, huwag mo muna akong kakausapin." Hinabol niya ito s